Love Poem: Amatriciana
Gianni Pansensoy Avatar
Written by: Gianni Pansensoy

Amatriciana

Sa isang malamig na sulok ng lilim,
girian ay lumalalim,
liwanag laban sa dilim,
araw ay palubog ng palubog,
dahan-dahan,
mahinahon,
ngunit ang iniwa'y dumudugong kalawakan,
pulang-pula,
ito ay rebolusyon ng pag-ibig,
himagsikan sa araw ni santo valentino,
tulad ng spaghetii al' amatriciana,
sa ating harapan ay lalong namumula,
tumitingkad sa sarap ng salsa de tomates,
pero ang pumupula ng higit ay ang iyong mga pisngi,
napaka-gandang pagmasdan,
makinis,
o kay sarap haplus- haplusin,
nakaka-gigil hagkan,
lalo na sa init ng iyong mga labi,
nais kong madurog,
maanod sa agos ng matinding kaligayahan,
at tuluyang malunod sa nag-aapoy mong mga halik.

Araw ay mistulang nag-laho,
nilamon ng kadiliman,
tanging tanglaw nati'y mga bituing nagni-ningning,
para bagang iyong mga matang nagpu-pungay sa tuwa,
at simoy ng hangi'y lumalamig,
mula dalampasigan hanggang sa dulo ng ating mga puso,
mabango,
sariwa,
parang ensalada de verduras verde,
guacamole,
o kay sarap lasapin,
tulad ng pag-iibigan nating wagas,
may samyo ng lubusang pag-mamahal,
sa kada segundo ng ating mga buhay,
lagi nating pinag-sasaluhan,
nakaka-aliw,
nakaka-tindig balahibo,
nakaka-kilig,
giliw,
sana'y hindi na magwawakas ang lahat na ito.

Maliban sa akasya,
mesang itim,
puting pusa,
sin-puti marahil ng fettuccine alla' carbonara,
wala ng iba pa,
kung hindi'y ikaw at ako lamang,
malaya,
nag-iibigan sa loon ng nakaka-baliw na pag-ibig,
at iyan ay maganda.