Dapit Hapon
Paggising Sa umaga, palagi akong natatanaw ang araw.
Sumisikat at Nagniningning, habang nararamdaman ko ang init nito.
Tulad ng pakiramdam ko sa tuwing nababalot ako Sa init ng pagmamahal mo.
Dahil ramdam ko parin ang mga yapos, gapos at pag-akap mo.
Pagsapit ng tanghali, palagi akong natatakam sa mga luto mo,
Mga luto mo na puno ng pagmamahal, pag-aalaga at pag-aruga mo.
Tulad nalang sa kung paano mag alaga ang isang ina sa kaniyang anak,
Inalagaan mo rin ang puso kong minahal ka nang buo at tiyak.
Pag dating ng hapon, ako'y nahihimlay at nahihimbing sa iyong mga hita,
Maghapong matutulog at magpapahinga sa piling mo't ikaw ang unang makikita.
At sa sobrang himbing ay hindi ko inakalang ika'y isang araw ay mawawala.
Ngunit ako'y nagising na lamang na ikaw ay wala na't labis ko itong ikinabigla.
Pagsapit ng gabi, ako'y umiiyak nalang sa tuwing darating na ang hapunan,
Sapagkat aking naaalala kung paano mo ako gisingin na may kape't ako'y iyong paglulutuan.
Aking naaalala ang tamis ng iyong adobo, asim ng iyong sinigang at alat ng iyong torta.
Ngunit ang huling iluluto mo pala para sa akin ay papaitan na sing-pait nang aking
nadarama.
At pagsapit ng hating gabi, ako nama'y iiyak at luluha hanggang sa hindi ko na mamalayang
ako'y nakahimbing na sa pagtulog.
Tulad ng buwan at araw, nagkakaroon ng kadiliman sa tuwing dumarating sa buwan ang pagduyog.
Sa mga gabing ako'y umiiyak at humahagulgol sa tuwing maaalala kita ay sasabay ang pagpatak ng
ulan at pagsabay ng kulog,
Na sasabayan akong umiyak at lumuha hanggang sa ako'y ma-hele nito hanggang ako ay makatulog.
At paggising muli sa umaga, uulitin ko nanaman siya.
|