Dito
Dito sa higaan ko inaalala ang mga ngiti mo
Pilit kong inaalala ang sarap ng mga halakhak mo
Oh anong sarap ng maramdaman ng akap mong kay init
Sa bawat hininga mong puno ng pag asa’t pag lalambing.
Ang bawat oras ay napakabilis
Utak ko’y tuliro sa pagpapaalam
Kung pwede lamang na ika’y itago
Mahirap ang ikaw wala kahit isang dipa
Pero ang bawat araw na ikaw ay nasisislayan parang bagong mundo ang binibiyayaan
Ang pagsinta ng pagkatao ko ay iyong dulot at sanhi
Dahil dito sa himlayan ko ngayon gabi pag irog ko ay di ko ikukubli
Sayo ang aking ngiti
Baunin mo hangang sa hapong iyong paguwi
Dahil sa gabing malamig, pag ibig ko’y iyong baga at sa lungkot ay gagapi.
|