Laro
Halina't maglaro Tayo ng tagu-taguan at ikaw ang Taya.
Tumakbo pa ako para magtago hanggang sa isang dingding ang aking nabangga.
Pero sayang lang Pala ang pagtago ko sa liblib na taguan,
Dahil una palang wala Ka nang balak na ako'y matagpuan.
Pero di bali na, Tayo nalang ay maglaro ng tumbang-preso.
Pero bakit dito ay tila ikaw ang tsinelas at ako ang Lata na patutumbahin mo?
Dahil una palang, asintado mo na ang puso ko na naging dahilan ng pagkatumba ko sayo.
Lubhang nasaktan ako pero magbago nalang tayo ng laro.
Maglaro nalang tayo ng Habu-habulan at AKO Naman ang Taya.
Siguro naman sa larong ito maaabutan at mahahabol na Kita, Diba?
Pero napakalaking kamalian ang napili kong laruin natin Kaya Pala,
Kaya pala kahit na anong paghabol ko sayo ay hinahabol mo parin siya.
Na kahit anong pilitin kong palingunin Ka ay nililingon mo lamang ay siya.
Siguro nga kailangan kong tumakbo pa upang mapagod at mapagtanto na ako'y masyado nang nagpapakatanga.
Kaya't kahit ayaw ko ay umupo nalang ako sa gilid bigla,
"Ang tanga tanga ko" lamang ang aking nasambitla habang patuloy na tumutulo ang aking mga Luha.
Siguro nga hindi talaga ikaw ang para sa'kin at hindi ako ang para sayo,
Kaya't kahit anong pilit kong iparamdam sayo ang pagmamahal ko ay hinahanap mo parin sa iba Ito.
Kaya't Sana'y kapag ako ay napagod at makalagpas na sa pagkahibang ko sa iyo,
Sana nama'y kahit papaano ay nakita mo Kung paano ako nagpahalaga sa'yo kahit na hindi mo agad naramdaman Ito.
|