Magic Kapote
by Sir Jhucel
Kay lakas ng mga ulan
Tumatagaktak sa alinsangan,
Kay dami ng alingawngaw sa paligid
Kagat sa labi, ngipin sa bagang ay nagngingitngit
Dalawang bagay na tumitibok
Ang syang nagmula sa alikabok,
Padalos-dalos na pinagtatama
Nawala tila ang pangamba sa pagkatok
Magkahawak kamay na nilusong
Ang bahang sa kama’y umuugoy,
Mga nakaw na sandali ay sadyang nagpapatuloy
Sirkulasyon ng dugo sadyang kay bilis ng pagdaloy
Puno ng MAHIKA ang sarap ng paligid,
Nananatiling ang paghinga ng dalawa
Ay sakal at nakataling lingid…
Siguradong sa iba may halong pag-aalangan,
Pero ako hindi nangangambang sumugod ng bigla sa ambunan,
At MAAMBUNAN sya ng mga ulan
Dahil suot-suot ko ang aking mahiwagang kapote
Palagi ko ‘tong baon-baon
May kakambal pang pampasuwerte,
Nagbibigay sa akin ng proteksyon sa mga pasakit,
Kahit sa pagkakataong dalawa kong mga mata’y
Hindi na maimulat, tuluyan nang nakapikit
|