Magpaalam Ka Naman
Magpaalam ka naman. ??
Tila bituing ngumiti sa langit,
Nagliwanag ang aking paligid,
Akala mong anghel, bumilis tibok ng dibdib,
Naging mabait naman ako, sinusundo na ba?
Oras ko na ba? bakit nariyan ka?
Paalaala ba na buhay ay hindi puro sakit?
Inspirasyon na nagsilbing simbolo,
Ang eksatong pangarap na minimithi ko?
Oh sadya lamang na ika'y mapagbiro,
Tadhana na nakikipaglaro,
Paraan upang ako'y matuto?
Na asikasuhin ang bisitang tulad mo?
Tinuruan naman ako ng tamang asal,
Humingi ng pasalamat at patawad sa'king mga dasal,
Kung makikiraan ay magpapasintabi,
Ngunit puso ko'y hindi marunong magsalita
Takot na akong maging laman lamang ng balita,
Kaya hangga't maaari huwag ka na pumarito,
Habang may sinag pa ng hindi malito,
Kung tama ba na naramdaman ko ito,
O kung mali ang ipinadama mo.
Tama ba ang nakita ka,
O pagkaintindi ko'y mali pala.
Salamat sa panahong ako'y naging masaya,
Sana lamang ay wag ng dagdagan pa,
Kung ika'y daraan lamang...
Magpaalam ka naman...
Gusto kita oh higit pa dun,
Malalim man ito o malayo paroon.
Takot ang isipan na ang puso'y pagsabihan.
Tibok ng puso'y isinisigaw ka,
Utak ko nama'y nanlalamig na...
Hindi susuko ngunit lalayo,
Wala namang plano ngunit mauupo,
Maghihintay kung oras ko na,
Sa pagsusulit kung may makakapasa ba.
Oh sya, Maggagabi na magiingat ka..
hanggang sa muli, kung makikita pa kita.
|