Nung Una
Nang unang nagtagpo
Ngumiti ang araw
Napawi ang basa at malumbay na puso
'Di na ininda ang hapdi ng kinahapunan
Nagtawanan ang bawat kaluluwa
Umiyak ang mga damdamin
Nagsalo sa init at lamig
Nabusog ang puso
Sa gulo may kaayusan
Sa gulo may kaayusan?
Isang malaking tanong
Isang tanong unti lamang ang may sagot
Ilang unos ang dumaan
Damdaming puno na ng nyebe
Ang ihip ng hangin ay mainit, nakakapaso
Liliparin ng isipan ang mga nasabi
Pero pilit itinatago ng puso ang hapdi
'Di maikukubli ang luha
'Di na muli babalik ang ngiti ng araw
Pumikit ka na at humanda sa pagbitaw
Dahil mauulol ang pusong sugatan
Kakain ng bububog at tinik
Makikiusap na parang pulubi ang pagkatao
Ngunit di ka na pakikinggan
Nung unang nagtagpo ngumiti ang araw
Nagyon badya ng ulan na parang halimaw.
|