Ulan
Matatapos na ang tag-init
Bubuhos na muli ang malalakas na ulan
Ang mga uhaw na lupa’y madidiligan nang muli
Ang mga bitak na naukit sa init ay pagtatagpuin nanamang muli
Ang mga nanunuyot na ilog ay aapaw nanamang muli
Tag-ulan na bubuhos nanaman ang malalaks na ulan
Madidiligan na rin itong nanunuyot ko’ng balat
Na pinangarap madiligan ng iyong mga pawis habang magkayakap
Mahugasan sana to’ng mga sugat na nagiinit na sa sakit
To’ng mga bitak sa puso na inukit ng sakit
Ay tila di na maghihilum at di na muling mapagtatagpo
Kaya tanging pakiusap gawan mo ito ng ilog
Pagmukain mo’ng magandang alaala
Kahit na ang umaagos dito ay mga bumabahang sakit
Tag ulan na naman bubuhos na naman ang malalakas na ulan
Sa gitna nito’y magagawa ko’ng tumayo sayo’ng harapan
Magagawa ko’ng ngumiti kahit na nasasaktan
Ang mga luha’y aagos nang di mo namamalayan
Ang pagpatak ng mga luha’y sasabay sa pagpatak ng ulan
Ito’ng sakit na nararamda’y magagawang pagtakpan
Ito’ng sakit na di na kayang hugasan kahit pa ang nagngangalit na bagyo
Itong sakit ay di kayang lunurin kahit pa sa pinakamalalim na baha ng karagatan
Matapos man itong tag-ulan at kahit na ilang malalakas na bagyo ang dumaan
Itong pag mamahal sa’yo ay mananatiling buhay at mananatiling sa’yo.
|